Minsan…

Ganon talaga ang buhay diba?
Lagi ka kailangang may pinaglalaban
Yun nga lang kadalasan
Minsan mananalo ka…
Pero karamihan doon lagi kang talo.
Ngunit ang importante doon ay hindi ka sumusuko sa kahit anong laban.

Kung wala kang alam, huwag kang manghusga.

You have no idea so stop acting like you know everything, or anything.

Anong sabi Mo?

Ito na ata ang unang pagkakataon…

Gaano katagal pa ba? Ang sabi Mo sa akin ay huwag akong mawalan ng pag-asa. Pero sa paglipas ng oras, bakit parang biglang nawawala na ang lahat? Parang wala ng saysay ang lahat. Hindi ko alam kung ano na ang iisipin ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. At ang pinaka malala dito, hindi ko na alam kung gusto ko pa magtiwala.

Nagpapasalamat naman ako na may laging nagbubulong sa akin na ituloy ko lang ito. Kahit gaano pahirap man ang pagsubok na ito, kailangang kong lumaban. Darating ang araw na ako na ang kailangang tumayo sa aking sariling mga paa. Baka kailangang lumayo. O kung ano man ang mangyari. Pero ang alam ko totoo ang Diyos. Nandito talaga Siya handang gumabay at umalalay. Kahit pilit mo Siyang inilalayo sa iyong puso at isipan. Narito Siya.