Pag Ika'y Nalilito

Pag Ika’y Nalilito

January 25, 2010  |  Rambles

Bigla kong naisipang magsulat dito bago ako matulog. Ang dami kasi ang bumabagabag sa akin. Hindi ko ba alam kung bakit nalang ganito ako magisip. Nalilito ako. Hindi ko alam kung saan ako dapat pupunta. Kung ano ba ang gagawin ko at kung ano ba ang plano ko sa buhay. Gusto kong mapaglayo – magbakasyon ika nga, at maintidihan ang sarili ko.

Kanina, pumunta ako ng simbahan. Tugmang-tugma ang sermon ng Pastor – huwag magalala dahil nariyan ang Diyos upang gabayan ka. Alam ko namang nandiyan siya, pero lagi parin akong nalilito. Hindi ko parin alam kung ano ang gusto Niya para sa akin. Itong linggong ito, isa-isa sa lahat ng mga sa paligid ko ay nakakatanggap ng mga magagandang balita. Masaya ako para sa kanila, kasi alam ko naman na pinaghirapan nilang lahat iyon. Kaso tinatanong ko rin ang Diyos, kailan ba dadating yung sa akin – yung oras ko? Ang mas malala pa diyan, hindi ko na alam kung ano ang gusto kong gawin. Ang alam ko lang, gusto kong makatulong sa tao. Makalikha ng positibong pagbabago sa aking kommunidad. Pero yun lang. At ang alam ko, hindi sapat yun ayon sa Diyos.

Kung ano man ang mangyayari sa hinaharap, iniiwan ko na po ang lahat sa Diyos. Pipilitin ko ang sarili ko na huwag masyadong magalala at magbago.  Na huwag malito, huwag matakot. Huwag mawalan ng pag-asa. Kung laging bagsak, kung hindi nakukuha ang minimithi, kumayod ng kumayod, kasi pagnakuha mo na ang gusto mo, mas magiging mas kapanabiknabik ang ligaya at saya na dulot nito. Ang Diyos lang makakatulong sa akin, na mapawi ang pagkalito at pagkainggit. Sana, matuto po akong iiwan ang lahat sa Kanya – na tuloy parin ang laban at kaya ko ito dahil nandito lang Siya sa aking tabi.

 

1 Comment


  1. antayin lang ang tamang panahon. kaya mo yan, kiel! =)

Leave a Reply